Friday, August 14, 2009

A Poem For Me and Only Me

This poem was written for me by Tita Jetty.
It was to be used in my batch's year book (and at last we'll be able to get it tomorrow).
No one has written me poems except Tita Jetty.
Thanks Tita, you captured it all.
---














Nagsimula ang lahat sa isang malinis na puting papel.
Di naglao'y dumampi ang labi ng brotsa sa kanyang katawan.
Nagtalik ang mga kulay at anino.

Pula. Kapusukan sa karunungan.

Kahel. Tamis ng pagkakaibigan.

Dilaw. Sinag ng kayamanan.

Luntian. Buhay at kasaganaan.

Asul. Dalisay na karangalan.

Indigo. Yumi at kagandahan.

Lila. Kasawiang pundasyon ng katatagan.

Naglaro ang brotsa sa kabuuan ng papel.
Pinaliguan ng kahulugan ang dati'y kulay ng kakulangan.
Hanggang sa pumailanlang ang isang pigura na singningning ng bahaghari ang taglay na katangian.
At sa paghihiwalay ng brotsang naging sagot sa lahat niyang katanungan at ng papel ng kaniyang mga karanasan, isang bagong imahe ang matutunghayan:

malakas,
marikit
at maalam.

No comments:

Post a Comment