Thursday, August 13, 2009

On Healing




















Kahapon naman nakayanan kong hindi ka tawagan, o i-text man lang.
Ni fb hindi ko pa rin sinilip.
Ni hindi nga ako umiyak.
Mejo puyat pero nakatulog naman ng maayos.
Pero nung nag-text ka kaninang umaga, "u safe home?"...
tatlong salita lang..
Hindi mo lang alam kung sino pang mga tao ang kelangan kong i-text para mabaling sa iba yung pagnanais kong sagutin ka.
Nung hapon, hindi ko rin napagilan. Ayoko rin namang nag-aalala ka sa akin.
Natatawa nga ako sa'yo, tulad ng sabi mo kelangan mo ng panahon pero ikaw ang hindi mapakali. Na hindi mo rin mapigilan ang sarili mo na alamin kung ano ang nangyayari sa akin.
Binibigyan lang naman kita ng panahon.. panahong makapagnilay-nilay sa mga nagdaang araw...
Binibigyan ko rin ang sarili ko ng panahong maghilom...
Alam kong nasaktan ka.
Nasaktan din ako mahal...
Iniisip ko na lang yung ni-text sakin ni Tyrone kani-kanina lang:
"No one will make a lock without a key...
Similarly, God won't make problems without solutions..."
Sana hindi natin madaliin ang paghilom natin..
hopefully, in God's time.

Love you still, mahal.
...Have faith in us.

No comments:

Post a Comment