Friday, May 27, 2011
A Hundred Memories: Memory 5
Remember this? :) Kasama ko pa sa dorm si Dekay niyan. Hindi pa tayo niyan. Natatawa nga ako sa suot mo kasi ang pormal mo eh, tapos ako, as usual casual and hindi mo masyadong sinasabi noon sa akin, pero revealing nga yung mga suot ko. Sa'yo ko nga natutunan na mejo i-tame down yun. Remember our first date? Na sabi ko bakit sakin nakatingin lahat sa simbahan ng EDSA Shrine, kasi mejo normal lang sakin talaga magsuot ng ganun. Hindi ka sumagot noon. Tapos tinanong ko ulit sa'yo nung naging tayo na, and sinabi mo na paano ba naman, kita lahat lahat.:) Kumain tayo sa napakasosyal na Kenny Roger's sa Galleria. Habang kumakain ka, naghihimay ako ng manok ko. Tapos pinakain ko sa'yo lahat! :) Nung pauwi tayo, hinatid mo ako, kasi ganun ka talagang tao na nalaman ko naman nung naging tayo na. At dahil hindi ako marunong magpigil sa mga nararamdaman ko, na alam kong gusto na kita nun, hinalikan kita ng paulit-ulit sa pisngi. Sabi mo nga akala mo nasisiraan ako ng bait, parang ewan ako. Pero hindi mo naman ako pinigilan. :)
Alam mo yung pinakanaaalala ko sa date na yun?
The moment you held my hand, and how my hand perfectly fitted yours. :)
And for the record, sinadya kong isuot ang green na damit na yun, just to impress you. But you're not that kind of guy, I know that now.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment