Thursday, June 9, 2011

Larawan


Hindi pa ako handang pakawalan ang mga alaala mo,
lalong lalo na ang larawang ito.
Larawang nagkahon ng pag-ibig natin,
nagtangkang isalamin
ang laman ng mga puso, hindi man aminin.
Pinakaunang pagsubok sa isang paglalakbay
na magkahawak ang ating mga kamay,
nangarap na hanggang sa dulo ng tulay
naroon ka, panatag na naghihintay.

Malaya kang hanapin ang kakulang hinahanap,
hindi man magiging madali ang sa yao'y pagtanggap.
At sa unti-unting pagkupas ng larawang tangan,
Hangad ko lamang ay ang tunay mong kaligayahan...

Sa ngayon,
hindi pa ako handang pakawalan ang mga alaala mo.

No comments:

Post a Comment